Bata, Bata Paano Ba? Children Ministry
Paano
ba mapapalapit ang mga bata sa Diyos? Paano ba nila pinahahalagahan ang banal
na misa? Paano ba sila magiging mabuting halimbawa sa kapwa nila mga bata?
Ilan
lamang ito sa mga katanungang sumasagi sa ating isipan tuwing pinaguusapan ang
mga bata. Kadalasan ay hindi natin alam kung ano ang mga sagot sa tanong na ito
at kung paano ito sasagutin. Dahil dito ay itinatag ang Children Ministry sa ating parokya.
Nagsimula
ito noong taong 1982 nang itinatag ni Fr. Amado ang Area-Based Catechetical
Program (ABCP). Layunin ng programang ito na magkaroon ng Catechetical Ministry
para sa mga bata kasama ng layunin ng parokyang makabuo ng Basic Ecclesial
Community. Ang mga volunteer catechists ay nagtuturo sa iba’t ibang area sa
parokya tuwing Sabado at pagkatapos ng kanilang pagtuturo ay nagkakaroon ng Children’s Mass sa ganap na ikaapat ng hapon.
Pagkalipas
ng mga taon, naging bagong kura paroko si Msgr. Romy Rañada. Napalitan ang pangalan ng ABCP at ito’y
anging Children Ministry. Itinatag ito noong ika-6 ng Setyembre, taong 1999. Nagsimula nang magturo ang mga volunteer catechists sa mga paaralang nasasakupan ng parokya. Ang Children’s Mass ay ginaganap na tuwing Linggo sa ganap na ikaapat pa rin ng hapon.
Ang
mga pangunahing layunin ng Children Ministry ay ituro ang kahalagahan ng misa
at gawin itong daan para sa paglago ng kanilang buhay espiritwal, turuan ang
mga bata kung paano pahalagahan ang misa bilang pinakamataas na panalangin at
ang natutunan ay dalhin sa tahanan upang sila ang magevangelize sa pamilya, turuan ang mga bata sa tamang pagdarasal, at mahikayat ang mga bata sa gawain bilang pagiging isang lector, commentator, choir, at iba pa.
Kasalukuyang
pinamumunuan ang Children Ministry ni Bro. Toti si Marilyn Macahilig bilang Head Catechist. Miyembro
naman ng Children Ministry ang mga catechists na sina Edna Ping, Amparo
Cordero, at Maria Pizar. Miyembro rin sina Baby Villamar, Shannin Retirado, ang Children’s Choir, Lectors and Commentators, usherettes, at collectors.
Ang
mga nais na maging miyembro ng Children Ministry ay dapat na may good moral
character, may malasakit sa mga bata, at handang maglingkod ng buong puso sa simbahan.
Napakaraming gawain at proyekto ng Children Ministry. Isa na rito ang Mayflower Devotion na ginaganap tuwing Mayo' Ang mga volunteer catechists ay nagtuturo sa iba’t ibang
areas ng catechism at ng tamang pagdarasal ng rosaryo. Tuwing Setyembre naman
ay idinaraos ang Catechetical Month kung saan nagkakaroon ng Bible Quiz at On
the Spot Drawing Contest. May mga representative ang bawat area at mga eskuwelahang
nasasakupan ng parokya. Kabilang pa sa mga gawain ng Children Ministry ang
Lenten Recollection, Station of the Cross tuwing Miyerkules Santo sa ganap na
alas tres ng hapon, Christmas Party, Children’s Mass, at First Communion tuwing Disyembre.
Mayroon ding formation activities ang Children Ministry upang mapalago ang espiritwal na aspeto ng mga miyembro tulad ng Holy Spirit Mass na idinadaos bago magbukas
ang klase tuwing Hunyo, ang Monthly mass na ginaganap tuwing unang Miyerkules
sa Aguinaldo Elementary School, ikalawang Miyerkules
sa Doña Josefa
E. Marcos Elementary School, ikatlong Miyerkules sa Camarilla Elementary School at Republican College, at unang Biyernes ng buwan sa Camp General Emilio Aguinaldo High School at Juan Sumulong High School. Tuwing summer naman ay nagkakaroon ng mga seminar at may iniimbitahang iba’t ibang speaker.
Ang
pagpupulong ng mga miyembro ng organisasyon kasama ang mga bata at catechists ay tuwing unang Sabado ng buwan sa ganap na ikalawa ng hapon.
Tunay
ngang napakalaki ng kontribusyon ng Children Ministry upang mapalapit ang mga
bata sa Panginoon. Nailalabas dito ang angking talino ng mga bata at
natututunan pa nila ang salita ng Diyos na naibabahagi nila sa kanilang mga magulang at kapwa bata. |